mga araw na nakalipas...
Posted by Eusebio at 10:02 AM on November 25, 2004.
Linggo... araw ng workshop namin sa UP. punta ako ng Sunken Garden pero wala naman sila doon. hinanap sa buong Sunken pero wala ako nakitang bakas ng ni isa sa kanila. sinbukuan kong tawagan si ate Arlene. natumpok ko, nasa gusali sila ng Mass Comm tapat ng gusali ng gusali ng Music. ngunit siyam na katao lang ang nadatnan ko doon. ate Arlene, dalawang instruktor, at iba pang mga kasamahan. hanap ni ate Arlene asawa ko. my paguusapan ata sila tungkol sa wokrshop. buti nakahabol ako. naguumpisa palang sila. mga 10 minuto palang ako huli. Basic Theory palang naman ang pinag aaralan. Note reading saka beating ang iba pang tinahak. makaraan ang isang oras ng natapos na kame. tumambay kame sa UP Theater para mag pahangin. sa daan papuntang simbahan, nakita namin si Jun Castor (isa sa pinakamagaling mag skate sa buong Pilipinas) binati niya ako at binati ko din siya. nagpapirma ako hehehe... tuwing magkikita kame ni Jun, nagpapapirma ako. mga nasa 20 mahigit na ang napapirma ko sa kanya hehe. don kame naging magkaibigan. pumunta na kame ng simbahan. may mga tiangge. tinggin lang kasi wala kame pambili. masaya naman dami mga magagandang bagay at dami sarap bilhin. mga katutubong kagamitan. malas lang talaga walang pambili. tapos naghiwalay na kame ng 6 ng hapon. ung iba my lakad pa. ako pahinga na.
nakakalungkot lang hindi nakasama asawa ko...
paguwi ko tawag agad sa asawa ko. inulat ko sa kanya mga nangyari, mga natutunan ko, at mga tinuro sa amin. hmmm... andon mga pinsan niya. nakatambay siya sa labas at nagigitara. kakatapos lang nila mag bake. tapos kain tapos PS tapos pahinga tapos tulog.
Lunes... tanghali, punta ng eskuwela. pero wala naman pala klase. linggo ng Management students. tumambay nalang ako.
(itutuloy ko ulit...)